Ang TULANG LIRIKO o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang uri ng tula.
Uri ng Tulang Liriko:
Halika sa Bukirin |
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
A. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo. B. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang malaya at walang kaguluhang buhay. C. Paglagay ng ko sa simple
A. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo. B. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang malaya at walang kaguluhang buhay. C. Paglagay ng ko sa simple
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
Halimbawa: Ang pamana ni Jose Corazon de Jesus
C. Soneto – tulang may labing-apat na taludtud hinggil sa damdamin,kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas ng pagkatao. sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
Halimbawa: Tumangis si Raquel
E. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinngil sa pag-ibis o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta.
Halimbawa: may Isang Pangarap ni Teodoro Gener
F. Dalit – Noong araw ito ay isang patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.
Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pgkalugod n ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang Dalitsamba at Dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.
Halimbawa: Dalit kay Maria
- Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtud. Ang isang taludtud ay karaniwang may 8, 12,at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa: Sukat: lalabingdalawahing Pantig (12)
Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’ araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit
Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
3. Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.Ayon kay A. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
4. Kariktan – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.
Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula
- Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
- Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang Karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon.
- Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay at matatalinghagang pananalita.
- Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi lamang niya ito
Inihanda nina:
Jonabel Ruz
Brenda Fabricante
ang comment ko ay si tintin ay hindi naliligo
ReplyDelete